Walang kwentang blog.

Masakit isipin na sinasabi ng kaibigan ko na nakakalimot na daw ako, ‘porket nagka-lovelife na daw ako. Yan tayo eh, yun kasi iniisip nila agad na mamakalimot na, kaya ‘yun talaga ung nangyayari. Hindi naman ako palagi may kasalanan, ako na lang ba una laging papansin, ako na lang lagi una kikilos? Pano naman ako? Kayo ba naalala niyo kahit minsan? Naalala niyo lang ako kapag nakikita niyong masaya ako tapos magagalit kayo kasi hindi ko na kayo naalala. Hay nako. Ang pumasok sa isang relasyon ba ang dahilan o baka ung tao mismo? 

Siguro kaya tayo iniiwan ng taong mahal natin kasi kailangan naman natin mahalin sarili natin. Lahat may dahilan, sabi nga nila. Alam kong mahirap i-balance ung love natin kapag nai-inlove tayo, siguro ung magandang gawin na lang is mahalin din natin sarili natin, na ‘wag kalimutan at bigyan ng oras ang sarili, hindi ung palaging sa taong mahal mo. 

Para sa’kin, mahalin niyo ung mga taong nagmamahal sa inyo ngayon. ‘Wag niyo hintayin na dumating ung panahon na magsisisi ka kasi hindi mo pala kaya na mawala ung taong ‘yun, dadating ung panahon na magsisisi ka kasi pinagtabuyan mo ung tao na dati mahal na mahal ka, ‘wag mo na hintayin ung time na ‘yun, kasi may mga bagay sa mundo na nagbabago at hindi na nababalik pa.

Ang sarap sa feeling na wala ka nang hinahanap na kulang ngayon. Na kapag naglalakad ka sa mall hindi ka na naiinggit sa mga nakikita mong cute na couples kasi alam mo nang merong isang taong nandyan sa tabi mo, na bago ka matulog may sweet message at pagkagising mo may naghihintay sa’yo na gumising.

Ang sarap ng may nanlalambing sa’yo, na may nagtatampo. Oo, nagtatampo kasi ang sarap din manlambing. Sarap mangulit kahit minsan nakakairita na. Haha!

Minsan nakakainis, minsan may away, minsan may tampuhan, pero alam mo yun, mas madalas ung kinikilig ka tas masaya na hindi mo maexplain.

Ang saya lang, na may isang taong nagtyatyaga sa ugali ko, sa kakulitan ko, na mahalin ako kahit madalas pasaway ako.

Wala na kong hihilingin pa. Kung pwede lang na ‘di na matapos ung ganito, ung wala na kong hinahanap kasi kuntento na ko sa lahat. Sana tumagal ‘to, kung pwede wag na matapos.

Dati takot ako sumaya kasi natatakot ako na baka kinabukasan may nagaabang na lungot, pero natutunan ko na hindi dapat sinasayang ung oras, na sana kapag may dahilan na sumaya tanggapin mo na agad, kesa hindi ka maging masaya. Maganda na ung sumaya ka kahit minsan may problema, naaayos naman. In short, ‘wag mo sayangin ung panahon sa pagiging malungkot kung napakarami namang dahilan para sumaya.

:)

Hindi ako naniniwala na kapag mahal mo daw ang isang tao, tapos walang dahilan, eh true love na daw ‘yon at kayo na panghabang buhay. Para sa’kin, kapag may gusto ka, may dahilan kung bakit mo gusto ‘di ba? Kaya ‘yon, pwedeng mahal mo siya kasi sa ugali niya, pwedeng sa itchura. Kanya kanyang paniniwala lang ;yan.


Kamusta nga ba si Ella?

Araw araw naman akong online dito sa tumblr, pero hindi ko alam kung bakit ang dalang ko magpost. Wala na kasi akong maisip. Nakakasawa na ang issues, hindi na ko mahilig magpost ng rants kasi ang daming nagagalit, tsaka madalas masaya ako. Alam niyo na. Hihi.

Yun, masaya ako. Petiks lang sa school, kahit ‘di masyado nagaaral hindi ko alam kung bakit ako pumapasa. Haha!

Summer na, kailangan ko na magpa-sexy. Talbog na naman ako nito, ilang taon na kong ganito. Haha! Pano ako makakapag-bikini nito. :( Hahaha!

Excited na ko magbakasyon, kasi feeling ko magiging acive na ulit ‘tong tumblr tulad ng dati. Marami na namang mabubuong kada panigurado, kada na short time ang saya kasi pagdating ng pasukan maglalaho na ulit. Haha! Yan tayo eh. Mga pauso niyo! Haha!

Sarap mainlove, tapos mahal ka din. Charot! Nanginggit pala. Haha! Yun, alam niyo na naman na masaya ako sa buhay pag-ibig ko, though minsan may mga ‘di talaga pagkakaunawaan, go pa rin. Sabi ko nga, “Kung maraming problema, mas maraming magagawa.”. Charot!

Sana masaya din kayo, tulad ko.

Hi.

Hindi ako magsasawang sabihin na maiksi lang ang buhay. Kaya sana ‘wag niyo sayangin ung oras niyo sa mga walang kwentang bagay. As much as possible ibigay niyo ung oras niyo sa pamilya niyo, sa mga importanteng tao sa buhay niyo, hindi dun sa mga nanlalandi sainyo. Maiintindihan niyo ko siguro kung may nawalang tao sa buhay niyo. Sa huli magsisisi, na sana pala ganito ganyan, pero wala ka nang magagawa kasi huli na lahat. ‘Wag mo hintayin na may mangyari muna, bago mo gawin.

Minsan hindi ko feel na may boyfriend ako. Parang may kulang, or sadyang maarte lang ako? Or baka naman ganto talaga kapag naguumpisa pa lang? Hay. Ang hirap pala ‘no, parang ayoko na, pero alam mo ‘yun, hindi mo siya maiwan kasi mahal mo siya.

Gusto ko talaga sa lalaki ung simple lang. Yung simple lang manamit, hindi maarte. Gusto ko ung mga mahilig sa music, mahilig kumanta, mahilig magbasa ng libro. Gusto ko kasi ung makakasundo ko. Gusto ko ng lalaking weird, hindi ko alam kung bakit ko gusto, pero gusto ko lang. Feeling ko kasi kapag naintindi ko siya ang laking achievement na ‘non. Tapos gusto ko din ung lalaking malaki ung kamay, hindi ko alam pero natuturn on ako. Pati din ung matatangkad na chinito tas chubby. Shet, pakasal na agad please.

Wala naman talagang problema, tayo lang nagiisip ng proprblemahin natin eh. Sana maging masaya na lang lahat, sana kasi marunong tayo makuntento. Matuto tayong maghintay ng mga bagay na gusto natin na kusang dumating, hindi ung pipilitin mo ung isang bagay na hindi pa naman dapat.

Hirap pala magsulat kapag masaya ka ‘no. Hindi katulad ng kapag malungkot ka kulang na lang umiyak ka sa haba at drama ng post mo, kasi kapag ganun ang dami mong nararamdaman, puro sama ng loob. Pero kapag ganitong masaya ang blanko, pero isa lang alam mo, yung masaya ka. Wala kang pakielam sa paligid mo, kasi ayaw mo mabahiran ng kahit anong inis o badtrip ung saya nararamdaman mo.

Hindi lahat ng love story katulad ng nasa mga fairytales. Hindi lahat may happy ending. Minsan may mga love story na hindi natatapos, kasi hindi pala ‘yon ung love story na para sa’yo hanggang sa dulo. Kaya dapat kapag nagsimula ung love story mo, wala dapat expectations masyado, para hindi masyado masakit kapag may hindi magandang nangyari.

Hindi ko alam kung bakit sabik sa followers ung mga tao dito ngayon. Ang daming nagpapapromote, hindi ko lang ma-gets. Oo na, nagrereklamo na naman ako, pero gusto ko lang kasi malaman kung bakit sila nag-gaganun pa.

Hindi naman ganito dito ‘non, dati nagblo-blog lang lahat, masaya lahat, walang pakielam sa followers kahit kapiranggot lang, pantay-pantay lahat ‘non. Friends lahat, wala pang gaanong issue.

Nakakamiss ung TTH na nakakatitillate, ung mga GPYOW, topless tuesday, and freaky friday na inaabangan talaga araw-araw. Ngayon, kahit anong araw ang tumal. Wala na ung dating sigla.

Ang dami talaga nagbago, nakakadisappoint. Hay.

(Source: heyimella)

Siguro nasanay ako dati na puro flirt lang, kaya ngayon ang hirap na sa’kin magseryoso. Ang bilis ko magsawa, minsan gusto ko, madalas parang ayaw ko na lang bigla. Ganun ba talaga? Nawawala ung feelings kapag paulit-ulit na lang ung nangyayari, kapag paulit-ulit na lang na sinasabihan ng “I love you.”, nauumay ako. Hindi ko na alam.

6th Death Anniversary ni Mommy today.

Six years na pala. Sabi ko dati hindi ko kaya, sabi ko ‘non ayoko na. Pero ang galing lang, habang tumatagal feeling ko mas nagiging matapang na babae ako, habang tumatagal ang dami kong natututunan sa buhay. Dati umiiyak pa ko gabi-gabi kasi wala nang nagpapatulog at nagpapaligo sa’kin, ngayon marunong na ko mamasahe mag-isa, marunong na ko magbayad ng tuition ko sa sarili ko, marunong na ko um-order sa mga fastfood. Malaki na ‘ko.

Mahirap sobra, mahirap ng walang nanay pero na sa sarili mo ‘yon kung mas papahirapan mo lalo ung sarili mo. Hindi naman pwede sumuko, kasi marami pa kong gustong mangyari. Hindi porket may nawala sa’yo, hindi mo na itutuloy.

Hayyy. :)